Monday, November 28, 2016

GOD, I'M IN PAIN

God, Ngayon. Hindi ako pumasok sa trabaho ko. Masakit eh. Nadudurog ako. Pinong pino. Yung nalaman mong nagsinungaling sayo yung taong muli mong pinagkatiwalaan. Yung taong binigyan mo ng pagkakataong sabihin sayo yung buong katotohanan pero nagsinungaling pala. Umiiyak lang ako buong gabi hanggat sa napagod ako at nawalan na ng ganang pumasok sa trabaho ko.

Gumising po ako na umiiyak parin. Hanggang sa panaginip ko. God, ang sakit. Ang sakit sakit. Paano niya nagawang ilihim sa akin yun? Oo nakaraan pa yon pero nagtanong naman ako sa kanya pero bakit hindi niya inamin? God, tuwing naiisip ko yun umiiyak lang ako. Mas lalo akong nawalan ng tiwala. Iba na yung pakiramdam ko ngayon towards him. Ayoko siyang maalala kasi naaalala ko lang sa kanya yung kasalanan niya. God, nagmahal lang naman ako. Kasalanan ko ba na hindi ako maging sapat sa taong mahal ko? Kasalanan ko bang hindi maging maganda? Kasalanan ko bang hindi maging sexy? Kasalanan ko ba yung mga bagay na hindi niya makita sakin na nakikita niya sa iba? Dyos ko, kung nakikita mo ako. Makikita mong umaagos yung luha ko ng walang tigil habang sinusulat ko ito. Parang hindi ako makahinga. Wala akong mapagsabihan dahil alam ko lang yung sasabihin nila sa akin. Sisisihin nila ako kasi di ako nakinig sa kanila. Mas lalo lang bibigat pakiramdam ko pag ganun. Kaya sinasarili ko nalang to. Napakasakit. Pinapatay ako ng sakit. Ayoko ng ganitong sakit.

God, titiisin ko to hanggang sa matapos yung birthday ko. Ayokong maging malungkot yung birthday ko. Kasi ayun yung pinakamahalagang okasyon sa buhay ko. Ayokong pag wala siya , tatanungin siya ng mga kaibigan ko kung nasaan siya at kung bakit wala siya. Ayokong mabadtrip at magdrama sa mismong birthday ko. Mas maigi ng makita nilang masaya ako. Mas madali kasing iexplain kung bakit ka masaya kesa sa kung bakit ka malungkot. Pero gabi gabi ko tong iiyakan hanggat di ko nasasabi sa kanya. Napakasakit. Yun lang yung salitang masasabi ko. Yung hindi lang iyak yung ginagawa ko kundi humihikbi. Bagay na nagagawa ko lang kapag hindi ko na kaya yung sakit. God, bakit po ganito?

Nireready ko na yung sarili ko pagkatapos ng kaarawan ko. Yung tiwala kong masasalba pa sana pero ngayon hindi na. Hindi ko inaasahan na masakit palang malaman yung katotohanan sa mismong naging babae niya. Yung katotohanan na para narin akong pinapatay. Yung tuwing maaalala ko, parang gusto kong tapusin na yung buhay ko. Kung hindi ko lang naiisip yung pamilya at kaibigan ko, siguro nagawa ko na yun. Ayoko ng makaramdam ng ganitong sakit God. Ang bigat bigat na po. Hindi ko na po kaya.

No comments:

Post a Comment