Showing posts with label days without you. Show all posts
Showing posts with label days without you. Show all posts

Saturday, June 18, 2016

021

Morning thoughts
"I go back to December all the time..."
Here I am, starring at the ceiling on my 4 edges room, thinking how my life was changed and how our relationship changed. As I'm wonderin', my eyes stops on the photo of ours. The photo taken last December 2015, the last time we're happy together, the last time you're mine. Why this is happening to us? Why the world makes our relationship complicated? Why the sparks gone? Why the love gone? For that 4 years and counting, still, it's you. It is you, the reason of my happiness. I miss your smile, your voice, your scent and everything about you. Honey, believe it or not, you driving me crazy all the time. Its just that I have to be strong for you not to take advantage of my passionate love for you. Today, I wish you all the best in finding your job, I know you can do it. I know how smart you are. Baby, I really wanna see you today but I can't even tell you because you might not be happy seeing me again. I love you honey. I wanna see you reaching your goals in the near future and someday, I really hope someday, you are the one whom I get married.

Tuesday, June 14, 2016

2AM thoughts

Tonight, I asked God, why I'm holding on to someone who isn't mine, whom I can't call mine. With tears running down my cheeks, I fell asleep and then I dream of you. I was crying on my dream and then you hug me and tell me you love me and you're mine. I keep on crying in my dream and I thought it's all for real then suddenly, my phone rings, and its you who's calling. After the ring, you text me a goodnight message. I cried. It's because I realize nothing. For those fucking 1 month we're apart how come I didn't realized something? You're still the same guy who broke my heart and break even more today, you're still the same guy that's the reason why I'm still crying everynight.
Nothing change. Still, your efforts are not consistent. I was traumatized of how you left me and someday, I hope I can see some improvements from you. If none, I hope that day, I'll be brave enought to face the truth and to surrender the battle I keep on fighting for, for a very long time. I love you and I'll always will.

Saturday, June 4, 2016

020


Pangalawang beses. Thank you sa araw na ro. Ang saya saya ko. Maraming salamat. Sobrang mahal parin talaga kita.

Friday, June 3, 2016

019

Nagtext ka nanaman. Ang saya ko nanaman. Magkikita tayo bukas eh. :)

Thursday, June 2, 2016

018

Ang araw na hindi ko inaasahan. Alam mo yung wala sa isip ko pero biglang nangyayare? Salamat. Sa pakikipagkita mo sakin ngayon. Ang gwapo mo parin. Namiss kita. Gusto ko magalit sayo pero nung nakita ko mukha mo, na inlove ulit ako. Gusto kitang yakapin kaso alam kong hindi pwede. Ang dami nating napagkwentuhan :) namiss talaga kita. Salamat sa pag hatid sa sakayan.

Monday, May 30, 2016

017


Ang saya! Ang sarap mag aral ulit lalo na pag gusto mo talaga. Namimis talaga kita :( pangarap natin to eh. :(

Sunday, May 29, 2016

016

Excited ako hon. Bukas magrereview na ako for CCNA. Naalala kita. Kasi sabi mo sabay tayong magtetake. Ngayon, mukhang hindi na. Kumusta ka na kaya?

Saturday, May 28, 2016

015


Grabe ang bilis. Magju June na. Matagal tagal nadin tayong hindi nagkakausap. Alam mo, may ginawa akong video. Video natin mula Day 1 hanggang present. Gabi gabi kong pinapanuod tapos iiyak ako ng sobra hanggang makatulog :( miss na miss na kita honey :(

Friday, May 27, 2016

014

Hi hon! Ang saya ko ngayon hon. Alam mo tinawagan ako ng SMART at pumasa ako sa interview for job offer na ako tsaka requirements. Grabe hon ansaya. Ikaw agad naalala ko :( gusto kita itext. Nasanay kasi ako na ikaw yung unang nakakaalam ng mga happiness ko. Nalungkot ako nung naisip ko na hindi na pala kita pwedeng istorbohin. Mahal, ang saya ko. Alam mo ba mag aaral na akong mag driving? Naalala mo ba? Diba pangarap ko to? :) ang swerte ko may Papa ako na anjan para suportahan ako. Miss na kita Mahal. Andame kong gustong ikwento sayo. Kumusta ka na kaya?

Thursday, May 26, 2016

013

Ayos pala. Andame kong nakausap. Ikaw nakakausap mo yung nga ayaw ko, ngayon, sinubukan kong gawin pero ikaw parin ang kinukwento ko sa kanila. Mahal na mahal talaga kira noh? Ayoko silang manligaw kasi gusto ko ikaw lang. Kaso masaya ka na. Bakit pa kita guguluhin diba? Ang hirap magpanggap. Sobra. Kumusta ka na kaya?

Wednesday, May 25, 2016

012

Nakita ko yung nga comments nyo ng babaeng ayaw na ayaw ko. Ang saya mo naman. Naiinggit ako sayo. Nakakainggit na ikaw sobrang saya ako eto talunan. Nagluluksa. Hindi ko to deserve mahal :( kaya tong araw na to, pipilitin ko. Pipilitin kong lumabas sa comfort zone ko.

Tuesday, May 24, 2016

011


I miss you. Miss you so bad. Nagpunta ako sa National Museum. Masarap din palang mag isa noh? Ganito pala yung feeling. Namiss kita, naiiyak ako habang iniisip kita. Lahat ng alaala natin sa Manila, sa Luneta, Chinese Garden, sa LRT, sa Quiapo lahat ng lugar. Ang sakit mahal. Ang sakit. Ang sama mo sakin hon. Sobrang sama mo sakin. Bakit mo ko sinaktan ng ganito.

Wednesday, May 18, 2016

010

Interview at exam ko ngayon sa BPI, ganito ang eksena...
HR: So you love hiking, what makes you interested on that?
ME: Its not what Maam, its who. The one I love the most. We used to hike together.
Hays. Ikaw parin. Ikaw parin talaga. Ikaw parin sa lahat ng bagay, pero mukhang ako, wala lang sayo...

Tuesday, May 17, 2016

009

Hi honey! Alam mo namiss kita. Lalo na't nagpunta ako sa LEMCON, diba dun ka nag OJT? :) Naaalala ko pinuntagan kita doon. Naalala ko din hinintay kita sa Waltermart-Jollibee. Namiss kita hon, hanggang ngayon depressed parin ako. Hindi ko alam paano magsisimula ulit.

Sunday, May 15, 2016

008

Hahaha! Ang sakit. Ang sakit sakit. Gusto mo akong maging friend nalang? Hahaha! Grabe ang sama sama ng loob ko sayo! Napakaselfish mo! Kausapin mo nalang ako, bibitawan naman kita pag gusto mo.

Saturday, May 14, 2016

006

Hi. After 6years pinagupitan ko yung buhok ko. Ang ikli na. Dati kahit 1 inch lang takot na akong ipabawas ngayon, hindi ako nag dalawang isip pabawasan kahit gaano pa kaikli yan. Noon, hindi ako naniniwala at nakokornihan ako doon sa mga nagpapagupit kapag nabroken hearted. Sabi ko pa nga nun, bakit nila dinadamay yung buhok. Ngayon, totoo pala. Hahaha! Darating pala ako sa point na yung buhok pala yung mapagtitripan mo kapag malungkot ka. Huling pagupit ko nung iniwan din ako nung naging jowa ko nung high school. Hindi ko akalain na mauulit pa pala yun. Grabe noh? Sobra pala akong nasasaktan. Sabi ko sa sarili ko, magiging palatandaan to ng sakit na nararamdaman ko ngayon kapag humaba na to ibig sabihin matagal na mula nung nasaktan ako ng sobra. Ang tindi mo! :) yung isa sa pinakamahalaga sakin ngayon balewala na.

Friday, May 13, 2016

007

Thank you! Kinilig ako. Akala ko kasi hindi mo ako rereplyan. Akala ko dedma lang yung text ko. Ingat ka sa hike! Katampo kasi di mo ko sinama. Hehehe.

005

Mahal. Namimiss kita. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Mukha mo yung nakikita ko sa lahat ng tao. Yung mga bagay at lugar na nagpapaalala sa akin sayo, naiiyak ako. Kanina, nagpunta ako ako may Boni-MRT kasi may interview ako doon, alam mo naalala kita. Tuwing hinihintay mo ako sa MRT yung kumakaway kapa sa taas na nakangiti tapos yayakapin ako pag andyan na ako. Yung mga moment na kumakain tayo sa MRT station ng Fried noodles na paborito natin bago tayo sumakay ng bus pauwi at kapag maaga pa, tumatambay muna tayo doon tapos nagkukwentuhan, yung waiting area ng Boni Station kung saan madalas tayong pumwesto kapag nag aaway tayo, doon din yung pwesto kung saan hinihintay mo akong makasakay at nakangiti kapa pag sasakay na ako at magbababye ka. Mahal ko, napakahirap. Nakikita ko lahat yun kanina at umiiyak ako. Ang sakit. Kasi naging memories nalang siya ngayon.

Ang saya ko ng konti. Nireplyan mo kasi ako. Kahit maliit na bagay lang yon, happy ako. Ingat ka sa hiking mo ha? Salamat honey.

Thursday, May 12, 2016

004

Mahal, ngayong araw na to dinelete ko na yung picture natin sa featured photo ko sa facebook. Ang hirap honeyko :'( pero kailangan ko tong gawin.

Wednesday, May 11, 2016

003

Happy Graduation! Graduate ka nangayon. Nakita uli kita.Ang gwapo mo  talaga. Ang saya ko nakita kitang grumaduate, ang saya ko, kasi ang sayasaya mo. Nakamayan kita pero mukhang  di ka naman masayang makita ako. Ok lang :) naiintindihan ko. Napaka distant mo sa akin, ok lang sanay na ako. Tinupad ko lang talaga pangako ko sayo noon. Na kahit anong mangyare, pupunta ako sa graduation mo. Yun na yung huli Yvan. Na gagawin kong kawawa at tanga sarili ko sa harap mo at sa harap ng maraming taong nakakakilala saken. Tatanggapin ko. Kasi hulina to. Dito na nagtatapos ang pagiging girlfriend ko sayo. Tinupad ko na yung pangako ko.

Salamat sa pag akbay mo sakin. Kinilig ako ng slight. Ang bango mo. Naramdaman ko nanaman yung yakap mo. Habang kumakain ka, sinusulyapan kita. Ang gwapo mo talaga. Yang mukhang yan namamimis ko ng sobra sobra. Yung mukhang matititigan ko sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung kailan pa ang susunod. Mahal, mahal na mahal kita. Habang nakatingin ako sayo, masayang Masaya ako kasi alam kong masaya ka sa narating mo ngayon.

Mahal. Ito na yung huli. Marahil ito na talaga yung huling pagkakataong makikita mong nagpapakatanga ako sa iyo. Pagod na ako Mahal ko. Pahinga na muna ako.