Happy Graduation! Graduate ka nangayon. Nakita uli kita.Ang gwapo mo talaga. Ang saya ko nakita kitang grumaduate, ang saya ko, kasi ang sayasaya mo. Nakamayan kita pero mukhang di ka naman masayang makita ako. Ok lang :) naiintindihan ko. Napaka distant mo sa akin, ok lang sanay na ako. Tinupad ko lang talaga pangako ko sayo noon. Na kahit anong mangyare, pupunta ako sa graduation mo. Yun na yung huli Yvan. Na gagawin kong kawawa at tanga sarili ko sa harap mo at sa harap ng maraming taong nakakakilala saken. Tatanggapin ko. Kasi hulina to. Dito na nagtatapos ang pagiging girlfriend ko sayo. Tinupad ko na yung pangako ko.
Salamat sa pag akbay mo sakin. Kinilig ako ng slight. Ang bango mo. Naramdaman ko nanaman yung yakap mo. Habang kumakain ka, sinusulyapan kita. Ang gwapo mo talaga. Yang mukhang yan namamimis ko ng sobra sobra. Yung mukhang matititigan ko sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung kailan pa ang susunod. Mahal, mahal na mahal kita. Habang nakatingin ako sayo, masayang Masaya ako kasi alam kong masaya ka sa narating mo ngayon.
Mahal. Ito na yung huli. Marahil ito na talaga yung huling pagkakataong makikita mong nagpapakatanga ako sa iyo. Pagod na ako Mahal ko. Pahinga na muna ako.
No comments:
Post a Comment