Sobra naman yung magagalit ka agad agad sa isang bagay na pinaliwanag ko naman ng maayos sayo. Bakit ikaw? Makagawa ka ng hindi ko gusto isang paliwanag mo lang tinatanggap ko. Pero bakit ako, mahal?
Sobra ka naman kung paano mo ako tratuhin sa harap ng mga nakakakilala sayo. Samantalang ikaw pinagmamalaki kita. Bakit ako, mahal?
Sobra ka naman makapagsalita sa tuwing magagalit ka. Hindi mo ba naisip na tao din ako? Babae ako. Irespeto mo ako gaya ng kung paano mo gusto irespeto ang Nanay mo at babae mong kapatid.
Sobra ka naman sa pagwawalang bahala mo sa nararamdaman ko. Pinapabayaan mo ako. Wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Pero ikaw gusto mo at mahalaga sayo yung sarili mo, yung nararamdaman mo. Bakit ako, mahal?
Sobra ka naman sa pagtatago ng mga ginagawa mo. Tuwing andyan na ako sa tabi mo lahat nakatago na. Pero bakit ako, lahat nasisilip mo? Wala akong nakatago. Pero bakit ikaw, mahal?
Sobra ka naman kung paano mo ako hindi sagutin sa tawag at texts ko sayo. Nagmumukhang tanga ako kakatext pero ikaw enjoy sa pakikipag text sa iba. Sumasagot ka pa ng tawag at text. Pero bakit yung sakin wala, mahal?
Sobra ka naman kung makapanlait ka sa pisikal na anyo ko ngayon. Dahil ba hindi ako kagaya ng mga nilalandi mo? Mahal, tandaan mo naman sana yung pinagmulan mo bago ka naging ganyan.
Sobra ka naman kung makapagsinungaling sakin. Kung magalit ka sa mga bagay na kinaaayawan mo sakin akala mo ikaw hindi nagkamali. Mahal, anong dahilan para magsinungaling ka ng paulit ulit sakin?
Sobra ka naman kung siraan mo ako sa pamilya mo. Bakit ako ang may kasalanan? Sana sinasabi mo sa kanila yung totoo. Tinatago mo yung pagkakamali mo. Pero sa pamilya ko, puro magagandang ugali yung sinasabi ko sa kanila tungkol sayo. Bakit ikaw mahal puro paninira?
Sobra ka naman kung paano mo pag laruan yung pagmamahal ko sayo. Na porke mahal na mahal kita inaabuso mo ako. Sana isang araw magising na ako sa realidad. Na kahit anong gawin ko, na kahit mahal na mahal kita, ganyan parin yung trato mo sa akin. Sana hindi dumating yung araw na pagsisihan mo lahat ng ginagawa mong hindi maganda sa akin.
H'wag puro ikaw, mahal.
No comments:
Post a Comment