by Yvan Estayo on Friday, June 15, 2012 at 9:49am ·
Naalala ko nung unang beses na hinatid kita sa sakayan sa Boni, bestfriend pa tayo nun. Lahat kasi kami magdodota . Kaya ikaw lang ang naiwan magisa, at wala kang kasabay uuwi.
Sa maniwala ka't sa hindi. Gusto na kita ng mga panahong yun. Tirik na tirik ang araw. Pwede namang sumakay ng jeep, pero mas minabuti kong maglakad na lang tayo para mas mahaba ang oras na makasama at makausap kita.
Hindi ko alam kung panong diskarte ba. Seryoso ? Mangungulit ? Ang naalala ko nalang nablanko ko nung mga oras na yun.
Hawak kita sa balikat. At akala mo siguro. Dahil bestfriends tayo, kaya nakaalalay ako sa lakad mo. Pero ang totoo. Masaya ko dahil sa hindi maipalawanag na dahilan.
At binagtas natin simula sa gate ng campus hanggang sa pintuan ng 7-Eleven.. na nakahawak ako sayo. Hindi ko akalain na yung babaeng hawak ko sa mga oras na yun, ay ang babaeng hahawak ng puso ko.
Pinilit kong patagalin ang oras habang naglalakad tayong dalawa. Kahit mainit. Wala kong pake kahit parehas tayong pagpawisan. Ang mahalaga lang sakin nung oras na yun. Makasama ka pa hangga't maaari.
Yung deretsong kalsada, dinamihan ko ng liko. Kung saan saan kita dinaan. Sumiksik tayo sa pagitan ng mga nakaparadang sasakyan, iikot ng ilang beses sa mga posteng nakaharang, at nililiitan ko yung hakbang ko. Mukha kong gago nun, tayong dalawa pala. Akala mo siguro pinagtritripan lang kita. Pero ang totoo, pinapahaba ko lang ang oras na kasama kita.
Ayokong isipin mo na masyado kitang pinapahalagahan nung oras na yun, kahit OO. Ayoko ding magkaron ka ng hinala na gusto na kita. Kahit alam kong ikaw yung tao na hindi nagbibigay ng malisya sa mga ganung effort, iniwasan ko pa din na makahalata ka. Naisip ko na bestfriend naman tayo kaya ok lang na ihatid kita sa unang pagkakataon, kaya di ka magiisip ng kung anuman kahit na ang totoo ay nagugustuhan na talaga kita.
Nagpalibre ko sayo sa 7-eleven, Para na din isipin mo na kailangan may kondisyon. Ang pride ko kasi. Kahit na sobrang halaga mo saken, ayokong mahalata mo. Ewan ko ba.
Sabi ko REDHORSE in can ang ilibre mo saken, pero Zesto yung binili mo. Pero wala lang yun. Alibi ko lang yun kasi gusto kong isipin mo na ako pa din yung adik at lasengo mong bestfriend na nakilala mo.
Hanggang sa sasakay ka na ng BUS. Nakahawak pa din ako sa balikat mo. Unti unting bumibitaw yung kamay ko sayo dahil nasa harap na natin yung BUS. Hanggang sa tuluyan ka na ngang nawala sa pagkakahawak ko.
Bumalik ako sa school. Magdodota nga pala kame. Habang naglalakad ako pabalik. Isang bagay lang ang umiikot sa utak ko nung oras na yun.. IKAW . Hanggang sa binulungan ata ako ng sarili ko. At ang sabi...
"MAHAL MO NA YAN."
No comments:
Post a Comment