Naaalala ko nung unang beses kitang nakita. Sa OB Gym yun diba? Wala pa akong gusto nun sayo eh. Tinuro kalang din nila sakin.palagi kaya akong nasa room nyo nun tuwing umaga, pinupuntahan ko kasi sila yeye pero hindi naman kita napapansin nun sila emil lang pero sinabi nila sakin may crush ka kay mira, wow ha iba nanaman. Haha.
Second year, naging classmate kita.nakabalik na kasi ako sa section ko talaga. Physics time, dun sa ITB. Gumagawa ako nun ng assignment katabi ko si kean jean tapos katabi ka nya nagmamadali akong magsagot kasi baka dumating na si sir tapos may naririnig ako na nadistract ako, ang ingay mo kasi! Hehe. Hinanap ko kung sino yun tapos pagtingin ko ikaw pala, nakalimutan ko kung sino ka eh kaya tinanong ko kung sino ka tapos ayun sinabi nila YVAN daw tapos tinanong ako kung bakit sabi ko CRUSH kita. Hahaha. Trip ko lang talaga sabihin yun para lokohin sila, pero mukhang ako yung naloko :) yung pagkukunwari kong crush kita naging totoo tuloy. Hindi ko naman ineexpect yun eh. Tapos araw-araw hinahanap na kita tapos kinikilig ako pag napapansin mo ko. Hahaha. Nakakainis kaya kasi ang sungit mo. Tapos pag english natin tinititigan kita. Whahaha. Tapos pag malilingon ka iaalis ko agad yung tingin ko. Tapos pinakilala ka sakin dun banda sa may kiosk hindi ka man lang ngumiti saken. Ako pa yung nakipag shake hands. Ang sungit mo talaga.
One time, nakasama kita sa gala. First time yun. Pinilit ka ata nila e. pero alam mo ang saya saya ko nun. Hahaha. Tapos nakakainis ka parang ayaw mo sakin. Tapos ayaw mong magpapicture saken. Badtrip!

Kaya ayun si sarah yung nasa gitna natin. Tapos pinapakunan kita ng stolen shots. Hahaha. Yun pala sinabi sayo ni galvez na may crush ako sayo. Kaya ka pala ganun. Swerte mo na nga crush kita e!! haha.

Kaya ayun si sarah yung nasa gitna natin. Tapos pinapakunan kita ng stolen shots. Hahaha. Yun pala sinabi sayo ni galvez na may crush ako sayo. Kaya ka pala ganun. Swerte mo na nga crush kita e!! haha.
Bago yung debut ni mookie, andun tayo sa kiosk kasama yung mga classmates natin gumagawa ako nun ng scrapbook para iregalo kay mookie. Tapos naturn off ako sayo nung araw na to kasi kinantyawan akalang nila na kunin yung number ng babae sa kiosk tapos ikaw kinuha mo naman. Nainis ako nun kay almer tska dun sa ibang nag utos sayo. Hindi ko nga sila pinansin nun eh. Tska sayo naiinis ako. Naging nababaw tingin ko sayo nun.
Debut ni mookie. Pinilit ko talaga si mookie na iinvite ka sa debut nya. Na gawin kang isa sa 18 roses para di ka makakatanggi. Ok lang kahit isayaw mo sya basta makasama kalang. Ilang araw ko ding kinonvince si mookie para lang isama ka. Buti pumayag sya. Kaya pinilit ko din sila mama at papa para lang makasama sa debut. Ang saya kaya. Plano ko kasi talagang makapagpapicture tayo eh ang galing ko nga nagawa ko yun. Yun yung una nating picture together. Nakitext pa ko nun sayo pero sa totoo lang may load ako nun. Hahaha.
Physics time uli. May groupings, #1 ako nun pinagdadasal ko na kagroup kita kaso badtrip kasi #5 ka. Edi ako yung gumawa ng paraan. Iniwan ko sila JM para lumipat ng grupo. Hahaha. Hindi ako nagpahalata kay sir. Pero nakakahiya kasi sabi mo sakin nahalata mo yun eh. Hehe. Hiningi ko sa kanila yung number mo kasi nakita ko sa fb mo na october 8 birthday mo na eh malapit na yung october 8 nun. Balak ko sanang itext ka ng 12mn sa birthday mo kaso natakot ako sabi kasi nila nagagalit ka pag pinapamigay # mo. Hey!! Naalala ko pala, nung nagreport ako tapos natanggal yung visual aid ko hindi mo man lang kinabit. Nakakainis!! Eh ikaw yung nasa harapan nun.
Birthday mo, hinintay ko mag 12mn. Tapos nung 12mn na nagiisip ako kung itetext ba kita pero kinakabahan talaga ako na baka magalit ka kaya natulog nalang ako. Actually nakaready na yung message ko sayo eh kaso ayun naduwag ako isend. Ang swerte ko lang kahit di kita nabati ng 12mn, nabati naman kita ng personal at pasimpleng nagpapicture ako sayo. Hahaha. Kinasabwat ko pa sila kean na sila muna maunang makipagpicture sayo para hindi halata na ako lang ang may gusto. Prinofile picture ko din yung picture nateng yun.
October 11, 2011. 9:39pm nakatext kita. Alam mo kung bakit? Syempre magaling ako eh. Hahaha. Ilang araw matapos yung birthday mo talagang hindi ako mapakali na itext ka. Kaya ayun nag isip ako ng paraan. Naisip ko idahilan yung project natin sa physics. Whahahaha. Naging IDOL nga natin yung isat-isa eh.
Me: yvan! Yung physics naten ha? Mhean to. (ui!! Kinabahan ako nyan ha. Baka kasi hindi ka magreply)
You: hala ako pala. Haha cge2 (ayun!!! Nagreply ka!!!! Ang saya saya ko kaya)
M: ay hinde! Haha.. pnapasabe kasi ni *****
Y: buti nga pinaalala mo mo di naman kasi sinabe ni ***** e, kala ko 2long 2long
M: eh sabe nya kasi di ka daw nagawa hanggat di pinipilit
Y: hala grabe cia haha bkt ngayon pinipilit mo ba ko? D naman db?
M: haha.. oo nga eh.. alin ba ang madali? Tutulungan nlang kita. (whahahaha. Gumagawa lang sana ako ng paraan para mapalapit sayo)
Y: parehas lng mhirap un.. haha bale magaling k nman e =D
M: hahaha.. ikaw nga yung magaling eh.
Y: magaling umabsent. Haha. Ano gnawa kanina? (mejo humahaba na usapan natin. Hehe. Kinakabahan ako lagi na baka bigla mo kong hindi replyan eh)
M: pnagawa lang yung exercises
Y: yare wala pa ko ngagawa dun . haha. Pkopya nlang ha :) (SUREEEEE!!!! HAHAHA)
M: kung may sagot.. haha.. ui wag mong kalimutan bukas PSALM 23 sa english.
Y: hala may english pba? Sabi sken after uweek ndw ule meeting dun.. haha
M: meron pa. bkt d ka pmasok?
Y: baliw un e. pg pmapasok ako wla xa. Pg di aq pumasok dun nman cia ppsok.
M: kalma lang! haha
Y: haha tapos nb ung budoy?
M: ano un?
Y: ung bagong palabas sa 2
M: ay kapamilya ka, kapuso ako eh. Nga pala tanong ko lang bakit ba hnd ka pumapasok?
Y: pmapasok nman aq ah, bka d mo lang nkkta. (HINDI NO!!! anong hindi nakikita ka jan eh pag pasok ko palang ng room ikaw na agad hinahanap ko tapos lagi kang absent)
M: sabagay. Eh lage ka namang absent
Y: oo nga e. next sem nlang ako papasok ng ppsok. Haha.. kaw? Wla kpa absent no?
M: daig pa kita taga taguig pa ako.. oo wala pa kong absent.
Y: taga taguig ka pala
M: oo (im trying to make my message short. Para malaman ko kung rereplyan mo ba ako at kung interesado kapang kausap ako)
Y: san ka sumasakay pauwe?
M: sa boni mnsan mrt mnsan bus. Ikaw? (Honestly, hindi talaga ako sumasakay pauwe ng mrt eh alam kong mrt yung sinasakyan mo pauwe nag aasume ako na sasabay ka sakin minsan pauwe. Hahaha)
Y: sa boni din minsan mrt msan bus (oh diba? Pareho tayo? Hahaha)
M: cla sarah kasama ko pauwe eh .. nagbibilyar kpa kc. (wala talaga akong kasama pauwe tapos tignan mo alam kong nagbibilyar ka. Hehe)
Y: mnsan lng pg nagkakayayaan o kya pg msyado p maaga para umuwi, dodota muna kame o kaya bilyar o kaya basketball o kya uuwi nalang kme pag nkktamad na. haha
M: hahah.. kaya idol kita eh
Y: haha.. ikaw nga idol ko e. (mejo kinilig ako neto eh. Hahaha)
M: sus bkt nman? Bsta ikaw idol ko ^_^
Y: wla lang gusto lng kitang gawing IDOL. Haha idol !
M: HAHAHA.. ikw kaya un
Y: ikaw kya :)
M: hahah.. ang kulet mo pala akala ko hindi
Y: haha depende kc sa ctwasyon ung mood q kya mo cguro nsbe un :)
M: sabagay .. haha .
Y: ikaw bkt parang lage ka msya? Haha (yiiiiieee!!! Ikaw talaga gusto mo talaga akong makausap no? hahaha)
M: eh positive thinker ako eh.. d naman masama un db?
Y: nman! :)
M: hahaha .. dpat ikw dn db idol mo ko? Hahah ..
Y: cge b idol :)
M: haha .. nga pla anliit ng boses mo.. haha.. un ang una kong napansin sayo. (kaya nga naging crush kita eh db? :) )
Y:haha panong maliit? Pkiexplain nga po.. haha :D
M: bsta! :) hrap iexplain
Y: pg naexplain mo, idol n tlga kta :)
M: hahah .. bsta mhrap!
Y: haha .. ewan q b .. e2 bngay sken e. hehe.
M: hahaha .. ok idol
Y: haha , idol pla ntin isat isa e :)
M: haha .. dabest ka nga e !
Y: ikw kya mas dbest :)
M: haha .. ikaw kaya
Y: ikw kya .. ililipad mo nga taguig to manda e :p
M: haha .. ikaw nga ginagapang mo mula pasay to manda e
Y: trapik kaya
M: gudnyt .. (sa totoo lang mahaba sana goodnight message ko sayo kaso baka mahalata mo hindi ko pa kasi alam na alam mo na palang may gusto ako sayo. Actually ayoko pa sanang itigil ung pag uusap natin kaso 12:08AM na baka inaantok kana tska maboring ka)
Y: nyt switdrms.
Naaalala mo ba yan? :) kung alam mo lang kung gano ako kasaya nyan . akala ko kasi susungitan mo ko hindi pala. Alam mo ba kinabukasan nyan? Hinintay kita sa English room naten. Andun ako nun sa pinto inaabangan kita. Tapos nung dumating ka sabe ko sayo “hi idol” nakangiti pa ako nun sayo. Pero ngumiti kalang :( mejo masakit kasi bigla kang naging cold.palagi lang akong nakatingin sayo nun. Palagi nga akong inaasar ni JM eh. Yun lang kasi yung ginagawa ko tuwing English class. Alam mo bang naging top 1 crush kita :) tapos nung malapit na yung birthday ko, naaalala mo ba nung ininvite kita para maging isa sa 18 roses ko? :) sa kiosk yun diba pinilit ka nila JM ansaya ko kaya kasi pumayag ka. Malas lang kasi hindi natuloy. Nung mga panahon nay un pang 17 ka eh. Sayang. Tapos nung nov.27,2011 nagparebond ako nun tapos katext kita magkikita nga sana tayo sa school nun eh kaso hindi ka pala papasok. Nung nag 18th birthday ako yung totoo, hindi ko talaga maalala na binati mo ako. Hindi ko alam kung bakit siguro dahil malungkot ako nun kasi wala akong party.
December 25,2011. Naaalala kong magkatext tayo nito tapos binati mo ko ng merry Christmas . mejo mahaba message mo nun eh. Pero ang hindi ko makakalimutan yung sinabe mong “stay lovely and pretty” whahahaha. Promise kilig na kilig ako nun. Kaso inisip kong GM yun :( tapos nung new year, grabe!! Overjoyed! Hahaha. Ikaw kasi eh nagtext ka ng “imissyou” saken. Nakakainis lang kasi tuwing nagtetext ka ng mga ganyan sakin iniisip kong send to many yun or gm yun. Kaya ang ending malungkot ako. Hindi naman kasi talaga ako umasa sayong magugustuhan mo ako.
“dati nasa balikat lang kita…ngayon nasa puso na kita”
January 3,2012. Dun to sa ITC 2nd floor. May bago kasi akong shoes na high heels. Naghihintay tayo ng prof nun sa P.E naten, tapos lumapit ako sayo(lagi naman) tapos sabi ko sayo patangkaran tayo tapos ayun bigla kang bumanat. At syempre automatic kilig ako nun. Haha. Ang hirap itago nung mga oras nay un. Nag init yung pisngi ko tapos di ako makahinga. Hahaha. Si relsie kasi tunutukso pa ako tapos ikaw andun ka eh baka mahalata mo. Ayoko kasing mahalata mong crush kita eh. Baka kasi layuan mo ko. Pero yun pala alam mo na. masyado pala akong obvious.
Literature naten. AT LAST!!! Naging magkagrupo tayo :) matagal ko ng hinihintay yung moment nay an. Hahaha. Sa pagkakaalala ko tungkol sa beauty yung theme naten. Basta eto lang yung natatandaan ko…
YOU: sa tingin mo ba maganda ka?
ME: oo naman. Haha. Eh ikaw? Nagagandahan kaba saken?
Alam mo ba, hindi ko alam kung bakit ko natanong sayo yan. Nabigla nga ako eh at the same time kinakabahan ako sa magiging sagot mo. Pero alam mo ba, ang bilis ng sagot mong “oo naman!” shet lang kasi SUPER NAKAKAKILIG!!!! Hahaha. Although play lang yun. Wala eh feeling ko totoo kasi nakatingin ako sa mata mo nung tinanong kita tapos nakangiti kapang sumagot. Sorry ha? Kung assuming ako. Whahahaha. Tapos nakasama ka uli namen sa mega then nanlibre ka ng pizza. Hehe. Ang sabi mo sakin ngayon na ginawa mo yun para magpaimpress ka saken diba? :) pero syempre nung mga panahong yun di ko alam yun. Yun yung araw na bibili ng sapatos si yeye sa department store. Do you still remember yung department store sa mega? :) yun yung place kung saan nakapag usap talaga tayo. First time yun diba? :) habang namimili si yeye. Nakaupo ka dun banda sa mga shoes. Tapos lumapit ako sayo dun at nakiupo pero hindi ka umusog kahit maluwag yung upuan kaya super dikit tayo at GUSTO KO YUN!! Hahaha. Nagkwentuhan tayo nun diba? Tinanong mo kung may boyfriend ba ako tapos ayaw mong maniwala na wala akong boyfriend. Nakwento ko pa sayo yung state ng lovelife ko nun tapos tinanong kita na kung ikaw yung nasa sitwasyon na yung isang babae umamin/may gusto sayo , iiwasan mo ba? Sabi mo hindi kasi masakit yun sa part nung babae. Nung narinig ko yun mejo naisip kong pano kaya kung sabihin ko na sayo. Kaso natatakot parin talaga ako. Ngayon pa na close na tayo? Baka pag umamin ako mawala lahat yun. Antagal nating magkausap nun ang sarap sarap sa feeling. Eh kaso pupunta pa tayo sa starmall nun kaya ayun naputol. Hindi naman natapos dun yung kilig moments ko sayo. Nagvideoke kasi tayo nun tapos nagulat ako nung bigla kang lumapit saken nung tumitingin ako ng kanta sabi mo na hanapin ko yung kantang “bakit ngayon kalang” sabe ko na diba duet yun? At kung duet ba tayo. Mabilis pa sa alas kwatro sabi mo OO. Haha. Edi ayun super kilig ako na kinakabahan. Baka kasi mapangitan ka sa boses ko eh. Tska nakakatense na ikaw yung kaduet ko. Alam ko kasing aasarin nila tayo. Lalo pat isa lang ang microphone. Im super kilig that day promise. Hahaha. May video pa nga yun eh :) na paulit ulit kong pinapanuod.
Naaalala mo din ba yung nasa kiosk tayo? Yung mukha kang ewan kasi pinapatawa mo ko. Hahaha. May puppet kang hawak nun. Tapos kung ano ano yung tinatanong mo sakin. Engineering days, andun tayo nun sa kiosk tapos sumandal ka saken sa likod ko!!!!!WAHAHAHAHA. inaasar nga nila ako nun eh . hindi mo kasi nakikita yung reaction ko ngiting ngiti ako nun tapos hindi ko mapigilang hindi kiligin. Nag gm pa nga ako nun eh. Haha. Tapos eto pa, nung uwian magkasabay tayo tapos PINASAN MO KO!!!! Nakakainis lalo kitang nagugustuhan. Lalo ka kasing naging malapit sakin. Lagi ko pang hinihiram nun yung cp mo. Sinasabe ko na titingin lang ako ng pictures pero ang totoo tinitignan ko yung inbox mo. Hahaha.
Antipolo day. Ayan kasama kadin pero lagi kang nakadikit kay ****** :( hindi ko alam pero nagseselos na ko nun. Ayokong isipin pero everytime na hahanapin kita ayun andun ka kasama sya. Pero syempre magaling ako. Hahaha. Nung andun tayo sa may antipolo church nung papunta na tayo sa stations of the cross, kaines hinolding hands mo kaya ako!! Alam kong hindi mo na tanda yun. Haha. Tapos diba magkasukob tayo sa iisang payong? Well, ansaya ko nun parehas pa tayong naka blue. Sa tuktok ng stations of the cross, ayun nakasandal ka nanaman saken. Hehehe. Nakakadami kana ha! Haha! Tapos nung nasa hinulugang taktak na tayo, nakasandal ka uli saken tapos pinasan mo nanaman ako :) ang saya kaya nakapagpapicture pa tayo nun ng marami :) lalo na sa falls ^_^ hindi kita nakasama sa pool nun eh. Pano eh wala ka eh. May iba kang kasama nakakainis. Tapos kinilig din ako nung pinasuot mo saken yung damit mo. WHAHAHAH.
Palagi na tayong magkasama simula nung araw na yun. At Masaya talaga ako. Everytime na makikita kita niyayakap mo ko. Hindi lang naman ako pero syempre saken, kinikilig ako. Naalala ko pa dun sa may laboratory sinabe mo kay aimee na may crush ka sa room. Badtrip yan! Hindi ko matanggap yun. Nalungkot talaga ako nun. Naisip ko kasing lalo mo akong hindi mapapansin. Huhu. Pero ngayon sabi mo na ako yung tinutukoy mo na crush mo sa room. Kung sana nalaman ko na noon pa edi happy happy na. haha. Tapos nung celebration ng birthday ni boil. Syempre inuman yun. Pinahiram mo sakin yung sing sing mong heart tapos nag open forum tayo konte . then sinabi mo saken na may mahal kana. Ouch! Mas lalong masakit nung sinabi mo na hindi mo alam kung pano mo sasabihin sa kanya. Nakakaasar ka nga eh kasi sakin mo pa talaga sinabi yun. Masakit kaya. Kasi may idea na ako kung sino yun eh. Natakot lang ako nab aka gusto mo ng ligawan yun. Tapos nakatingin kapa sakin habang sinasabi mo yun. Na may mahal ka na di mo masabi sakanya yung feelings mo.Nagbigay ako ng advice sayo syempre para di mo mahalata na nahurt ako. Hindi ko alam kung bakit. Mas nakakainis ka kasi AKO PALA YUN TAPOS HINDI MO PA SINABE AGAD!!!
sa ayala homes
valentines day
February 16, 2012. Alam mo, tandang tanda ko yung araw na yan. Yan kasi yung araw na naging magbestfriend tayo. Tapos sinabihan tayo ni sir na bagay tayo. Ako naman natuwa. Sana natatandaan pa ni sir na sinabi nya yun noh? Para pag nakita nya tayo sa school makikita nyang nagkatuluyan tayo ^_^ alam mo bang nagbigay ka ng kondisyon nun? Sabi mo magiging magbestfriend tayo pero “BAWAL MAINLOVE” sa loob loob ko natatawa ako kasi you’re too late. Inlove na ako sayo nun eh. Umoo nalang ako. May kumalat saking chismis kayo na at nasaktan ako nun. English time yun at pag akyat ko sa taas andun ka. Malungkot ako nun pero hindi ko pinahalata. Nasa labas tayo tapos parang ang lungkot lungkot mo. Syempre bff tayo diba kaya tinanong kita kung bakit ka malungkot sabi mo wala lang tapos tinanong kita kung kayo ba sabi mo hindi. Ayun edi ang saya ko. At ang saya saya ko palagi kana kasing lumalapit nun sakin.tapos nagkaroon ng dare, naaalala mo pa ba yun? YUNG IKIKISS KITA!! Hahaha. Badtrip kasi parang ayaw mo. Choosy kapa. Tsk! Then sabi mo sakin na baka pag nakita kitang maglaro ng basketball BAKA MAGPALIT NA AKO NG LOVELIFE (hahaha. Yan nagpalit nga ako. Hehe) Akala ko sakin na lahat ng atensyon mo yun pala hindi :( natatandaan ko nun nung inaya kitang samahan ako sa debut ng kaibigan ko pero tinanggihan mo ko. Ang sabi birthday ng mama mo. Syempre mama mo yun kaya sabi ko OK lang. pagkauwi ko galing debut, nakakalungkot na nakakagalit na balita yung nalaman ko, NASA MOA KA PALA AT MAY KASAMA KA !!! oo wala akong karapatan na magalit kasi bestfriend mo lang ako kaya pala ang sweet ng mga text mo sakin nung umaga nun yun pala kasi YOU LIED! Nung nalaman ko yun iniwasan na kita. Hindi na kita pinansin. Yun din kasi yung mga panahong may balitang KAYO nadaw (nanaman). Ouch yun. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan nun. Dahil ba sa nagsinungaling ka o dahil hindi ko lang matanggap na KAYO na. sabi pa sakin nun na buti nalang crush lang daw kita atleast hindi ganoong masakit. Hindi nila alam na MAHAL na kita nun. Ayoko talagang umamin kasi ayokong masira friendship natin. ANG HIRAP KAYA MAKUHA YUNG ATENSYON MO! Ilang araw din kitang hindi pinansin nun. Tuwing calculus natin diba magkatabi tayo palage? Pero nung mga panahon na yun hindi talaga ako tumabi sayo. Pero alam mo kung ano yung Masaya? Kasi after ng klase naten lumapit ka saken tapos pinansin mo ko at nagsorry ka tapos sabi mo na namiss mo ko tapos niyakap mo ko. Hahaha. Im so kilig nanaman. Lalo na nalaman kong hindi pala kayo.
March 9,2012. Remember that? The first time I kissed you :) sa cheeks lang naman. Sa may ITC 3rd floor yun diba? Nagulat kaba? Hahaha. Pauwi kana kasi nun tapos sabi mo kiss muna kita. Akala mo siguro di ko gagawin noh? Hahah. Opportunity yun no!! haha. Araw araw nagiging Masaya ako. Nakaramay kita nung time na sumuko na ko sa lovelife ko nun. Halos araw araw magkatext tayo. Palagi mo pa nga ako tinetext ng mga sweet quotes diba? Hindi ko binigyan ng malisya yun promise. Kinikilig ako pero hindi ako nag aassume na gusto mo ko. One time kinausap ako ni ****** na M.U na daw kayo. Edi tinanggap ko. Tinanggap kong friendzone lang ako. Pinaubaya na kita sakanya. Eh kung sakanya ka pala Masaya eh. Kaso mukhang mali yung sinabi sakin ng babae, kasi after nya sinabi sakin yun naging super sweet ka sakin at ikaw na yung lumalapit saken. Hinatid mo nga ako sa sakayan pauwi diba? Na kahit mainit hinatid mo padin ako. Tapos ang nakakakilig dun, bigla kalang nagpresinta na ihahatid mo ko sa sakayan. Palagi na tayong magkasama ang saya saya natin. Lagi pa tayong nagpupunta dun sa inyo kasama sila Clinton minsan pumunta kayo sa bahay tapos nakapagpapicture tayo. Lalo akong nafafall sayo. Pero ayoko padin aminin sayo. Naaalala mo ba nung umuulan? Nasa ITC 410 tayo nun. May ginagawa si Biol kaya hinintay ko muna. Lahat sila bumaba na at inaaya ka ng bumaba pero ikaw, nag stay ka para samahan kame. UYYYY!!! Ikaw ha? Hahaha. Kinukulit mo ko nun tapos inaasar nakakatouch ka kaya kasi hinintay mo kameng matapos. At yung pinahiram kita ng VOM tapos sinamahan kitang magpasa tapos nung nacheckan na, ang saya saya mo at bigla mo kong niyakap ng mahigpit na mahigpit. HOY!! NAMULA AKO NUN!! Hahaha. Hindi mo lang nakita. Uminit yung mukha ko nun. Nagulat kasi ako. Sanay naman akong yakapin ka pero yung time na yun iba eh. Hindi ko alam basta iba yung yakap mo. Parang na awkward tuloy ako pero masaya ako. Nilibre mo pa ako ng magnum nun. Hehe.



March 30,2012. Last day ng klase BUONG ARAW MAGKASAMA TAYONG DALAWA NETO AT SUPER SWEET. Hahaha. Pupunta sana tayo ng luneta nun kaso di natuloy. Andun tayo sa kiosk tapos magkaholding hands tayo hindi nga nagbitaw yung mga kamay natin diba? Inaya ka nila magdota pero hindi ka pumayag pinili mo padin mag stay sa tabi ko na magkaholding hands :) kung alam mo lang kung anong feeling ko nun. Sa pagkakataong yun gusto ko na sanang aminin sayo na mahal kita kaso natatakot talaga ako at tska babae ako eh. Nung nasa boni na tayo, nung sasakay na ko ng bus. Kiniss kita uli sa cheeks for the 2nd time :) Ang saya ko nun , basta iba talaga syempre crush kita tapos mahal na kita tapos abot kamay kita. Kaso sa maniwala ka’t sa hindi , hindi ko padin inisip na may gusto ka saken. Ayoko kasing paasahin yung sarili ko nun. Masaya na ko na ganun. Pero yung kiss na yun may kasamang emotion yun. Hahaha. In that way, pinaparating ko sayong GUSTO KITA ^_^
march 23 sa bahay
After nun , hindi kana talaga naalis sa isip ko. Pag naiisip ko yun lahat napapangiti ako. Hinihintay kong magtext ka sakin. Hindi ako naunang nagtext sayo kasi iniisip ko bibigyan mo ng halaga yung araw na yun. Pero apat na araw ng lumilipas hindi ka parin nagtetext. Naisip ko nun, nag take nanaman ako ng risk, mali nanaman yung desisyon kong magtiwala ulit. Nalungkot kaya ako nun. Pero kinabukasan , APRIL 04,2012 nagkatext tayo :) nagsorry kapa dahil hindi ka nakapagtext kasi wala kang mapaloadan at umuwe ka sa bulacan. Ang sweet sweet mo na neto. I mean, yung mga jokes mo na ewan ko kung joke nga ba pero sinasakyan ko din at pinipigilan kong hindi kiligin kasi baka finiflirt mo din ako. Puro ILOVEYOU at IMISSYOU yun eh. Kaya nakakakilig. Actually nasa phone ko yun. Yung phone kong nawala. Lahat ng text mo mula nung crush palang kita at nung hindi pa tayo close andun lahat. Kaya ang laking panghihinayang ko na nawala yun.
April 8, 2012. Nag gm ako neto:
Me: “someday, someones gonna love me the way I wanted you to need me someday someones gonna take your place. One day I’ll forget about you, you’ll see I wont even miss you someday someones gonna be there”
You: “sino yung someone?”
M: “gusto mo makilala?”
Y: “pakilala mo naman”
M: “tumingin ka sa salamin, sya yun”
Y: “haha.. ako pala un? Iloveyou”
WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!! Until now pag naaalala ko yan kinikilig padin ako!!! Hahaha. Super kilig ako nyan grabe. Nagtatatalon ako sa bahay neto. Ngayon ko lang naexperience na tumalon ako sa sobrang kilig at saya. Sino ba namang hindi? Lalo na pag crush mo. Tapos nung easter Sunday ng umaga tinext mo ko ng “MAHAL KO” wahhhhhhh!! Yung kilig ko abot hanggang pluto!! Hahaha. First time na tinawag mo kong ganun.
Naaalala ko pa nung unang beses na nagpost ka sa wall ko. Kilig na kilig kaya ako nun. Hahaha. Pinatignan ko pa kay mookie kung anong pic yung pinost mo. Excited ka ng magkita tayo, Kaya nung April 11. Kuhaan ng gradeslip kinakabahan ako kasi makikita na uli kita hindi ko kasi alam kung anong magiging reaction ko para kasi talaga akong nananaginip. Hahaha. Tapos ayun na nasa school kana, pinakilala kita boyfriend na kita pero joke lang yun. Mejo napaniwala tuloy sila :p after sa school nagpunta tayo sa baclaran church tapos nagpunta tayo sa MOA :) naaalala mo ba yang araw na yan? FIRST KISS naten !!! hahaha. Hala grabe hindi parin talaga ako makapaniwala nung araw na yan. Basta masaya ako. Binigyan mo pa nga ako ng chocolates nyan diba? :) lagi mo kong binibigyan ng chocolates nun ngayon, nga nga nalang. Haha. Joke lang.
Enrolment ng summer, malungkot tayo kasi hindi tayo classmates :( nagkamali ng lagay sayong section :( alam mo, palagi kang andyan noon sakin. Konting problema ko lang anjan ka para damayan ako. That makes me fall inlove with you. Mabilis akong nakamove on dahil sayo. Napakamaalaga mo kasi. Pero sa totoo lang, iniisip ko padin na baka lokohin mo lang ako. Kaya natatakot padin ako. Ibang iba yung saya na nafefeel ko pag kasama kita. Nafefeel kong prinsesa mo talaga ako. Asan na yun ngayon? Hehe :p
April 28,2012. Isa yan sa hinding hindi ko makakalimutang araw :) nagpropose ka sakin pero over the phone:
“sabi ko pag sinabi ko sayo to gusto ko espesyal. Napagisip2 ko na pwede namang araw2 espesyal. Andame ng nagtatanong saken kung kelan pa daw tayo. Kung kailan daw monthsary naten. D ko alam isasagot ko :| Therese, mahal na mahal kita. Gusto kong gawin lahat ng bagay kasama ka. Gusto kong gawin lahat ng bagay para sayo. Araw-araw kong papatunayan sayong mahal na mahal na mahal kita. Iloveyou my love, my wife, my princess, my world, my everything, my my life. Kaya… will u be my girlfriend? Officially..ILOVEYOUSOMUCH MORE THAN YOU’LL EVER KNOW. Please say “YES”.”
WAAAAAHHHHHH!!!!! Grabe!!! Hindi ko ineexpect yan shocking talaga. Hahaha. Kaso binasted muna kita :p alam mo kung bakit? Huling beses ko na kasing sasagot sa lalaki tapos over the phone pa? ayoko. Tska mas gusto ko personal :) plinano ko na nga kung kelan kita sasagutin eh :) excited ka naman masyado. Hehehe. Habang palapit na ng palapit yung araw. Kinakabahan ako. Na sana magwork yung plano ko.
MAY 8,2012. Inaya kitang magsimba. Tapos after ng misa pagkabless natin sa pari sabe ko sayo “oo na” tapos ikaw walang reaction. Nakakainis kaya hanggang paglabas ng simbahan di ka umiimik. 6:34pm, sa San Roque Church I said YES in front of the altar. Yun kasi talaga yung plano ko na doon kita sasagutin sa simbahan. Kasi mga 5 to 10years from that day sasagot uli ako pero “I DO” na. hahaha. Hanggang sa makarating tayo sa sakayan hindi ka padin umiimik. Yun pala sabi mo, masaya ka na kung wala tayo sa simbahan baka sumigaw kana. Naspeechless ka pala. Haha.
First monthsary, ginawa ko lahat para lang makipag date sayo. Syempre 1st monthsary naten yun eh. Eto yung message mo nun sakin oh:
12:18AM
“happy first monthsary baby! Salamat sa pagmamahal sa kabila ng pagkukulang ko :) I promise that I will never give up on our relationship no matter what happens. I will be true to all the promises I had made. Hnding hindi kita iiwan. Iloveyou baby, more than my life itself.. you’re the best thing that ever happened to me. Nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan nya ko ng dahilan para sumaya buwan buwan :) andameng nagbago saken simula ng minahal kita :) binigyan mo ko ng dahilan kung bakit masarap magmahal. Umaasa ako na magkakatuluyan tayo at magkaron ng masayang pamilya :) HAPPY MONTHSARY BABY! ILOOVEEYOOU :*.
Yiieee!! Nakakakilig <3